Isang tunay na happy family na ang ipinamalas nina Robin Padilla, Mariel Rodriguez at anak nilang si baby girl Isabella.
Mismong si Robin Padilla ang sumundo sa NAIA sa kaniyang mag ina na bumalik na sa Pilipinas mula sa Amerika.
Magugunitang sa Amerika nanganak si Mariel na hindi naman nasamahan ni Binoe dahil bigong makakuha ng US Visa.
Halos walang paglagyan ng katuwaan ang mag asawa na nagyakap kaagad matapos ma miss ng sobra sobra ang isat isa.
Siyempre pa tunay na rin ang pag post ni Binoe ng kanilang family picture dahil aktuwal na silang magkakasama.
Ilang shots din ang ishinare ni Robin sa kaniyang Instagram account kung saan ipinapakita niya ang kaniyang mag ina na halos ilang buwan niyang hindi nakasama.
By: Judith Larino