Muling nag-krus ang landas nina Robin Padilla at Aljur Abrenica sa isang family dinner kagabi, batay sa Instagram story na in-upload ng anak ni Binoy at partner ni Aljur na si Kylie.
Ito’y sa kabila ng hindi magandang ugnayan nina Robin at Aljur bunsod ng pagnanais ng tinaguriang “Bad Boy ng Pelikulang Pilipino” na makasal na ang anak.
Sa naturang video, makikitang pinagmamasdan ni Robin ang apo nitong si Alas Joaquin, habang karga-karga ng amang si Aljur.
Ipinanganak ni Kylie ang anak nila ni Aljur noong Agosto ng nakaraang taon.
Sa isa pang video ni kylie sa Instagram, may caption itong family dinner at ginamit din ang caption na “#happiness”.
Aminado naman ang aktres na hindi pa sila nagpapakasal ni Aljur dahil marami pa silang kailangang ayusin at hindi rin umano siya pabor sa divorce kaya’t tinitiyak muna niyang hindi ito mangyayari kung sakaling magpakasal sila ni Aljur.
A post shared by kylie nicole (@kylienicolepadilla) on