Balik kapamilya na ang action star na si Robin Padilla.
Ito ang kinumpirma ng misis nitong si Mariel Rodriguez.
Ayon kay Mariel, pumirma na ng dalawang taong exclusive contract si Binoy sa ABS-CBN.
Ayon kay Mariel maraming proyekto ang nakalinya para kay Robin na kanila aniyang kinasasabikan.
Masayang-masaya si Mariel ngayon ay makakasama na niya muli sa Kapamilya network ang asawang si Robin.
Agad namang nag-trending sa social media ngayong umaga ang #RobinPadillaKapamilya.
By Ralph Obina