Ipinagtanggol ni Action Star Robin Padilla si Queen of All Media Kris Aquino sa mga bashers nito sa kabila ng nararanasan niyang karamdaman.
Ayon sa aktor, nag-aalala siya sa kalagayan ng aktres bilang isang kaibigan, katrabaho at isang Pilipino.
Sinabi ni Robin na hindi tamang batikusin ng mga Pilipino ang isang taong may nararamdamang sakit at kasalukuyang sumasailalim sa matinding gamutan.
Dagdag pa ni Robin, ano man ang relihiyon ng isang tao ay nararapat itong bigyan ng kapayapaan at tamang pansin maging ng moral support.
Bukod pa diyan, igalang at ipanalangin nalang ang mga indibiwal na may karamdaman at huwag nang pag-usapan dahil hindi naman ito nakakatulong sa kanilang mabilis na paggaling. —sa panulat ni Angelica Doctolero