Kasamang binisita ni Robin Padilla ang ground zero ng Marawi City sina Kapamilya star Piolo Pascual, Direk Joyce Bernal, Nadia Montenegro at kaibigang si Jose Antonio Lopez.
Sa ibinahaging mga larawan at video sa social media, makikitang hindi lamang ang mga nasirang imprastraktura ang pinuntahan ng team ni Robin, kundi pati na din ang mga bakwit.
Ibinahagi din ni Robin ang mga salitang sinabi ng magkaibigang Piolo at Direk Joyce habang binabagtas ang resulta ng limang (5) buwang giyera sa Marawi.
Sinabi umano ni Direk Joyce na hindi pwedeng kalimutan o makalimutan at lalong hindi maaaring hindi pag-usapan ang nangyaring giyera dahil sa Pilipinas ito nangyari.
Ani naman ni Piolo, kailangan tulungan ang Marawi na muling bumnagon dahil Pilipino tayong lahat.
Sa huli, nagpasalamat ng lubos si Robin sa mga kasama dahil sa paglalaan ng oras para mapasaya ang mga taga-Marawi.
A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on
Matatandaang noong Oktubre 2017 ay nag-donate ng P1.5-M ang magkaibigang Piolo at Direk Joyce para sa rehabilitasyon ng Marawi.
Habang nagbigay naman noong Agosto 2017 si Robin ng P5-M donasyon para sa mga kabataang bakwit ng Marawi.