Gitgitan pa rin ang labanan sa pagka-bise presidente nina Congresswoman Leni Robredo at Senador Bongbong Marcos Jr.
Batay sa partial unofficial tally ng PPCRV pasado alas-11:00 ngayong umaga, umaabot sa 170,311 ang lamang ni Robredo kay Marcos o 0.4 percent ng kabuuang mga boto mula sa 90.84 percent precincts.
Si Robredo ay mayroon nang 15,364,461 votes samantalang 13,194,150 naman ang kay Marcos.
Maituturing umanong gitgitan pa rin ang laban sa kabila ng lamang ni Robredo dahil mahigit pa sa 9 na porsyento ng mga presinto ang hindi pa nakakapagpadala ng resulta ng eleksyon.
Marcos camp
Kumpiyansa ang kampo ni Sen. Bongbong Marcos na sila ay mananalo sa vice presidential race.
Ayon kay Cong. Jonathan dela Cruz, campaign manager ng senador, ito ay dahil mayroon silang internal survey na tumutugma sa exit polls ng Social Weather Station.
Sinabi ni dela Cruz na sa naturang survey, nakakuha si Marcos ng 34.9 percent ng mga boto, kumpara sa 32.5 percent ni Cong. Leni Robredo.
By Len Aguirre | Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)