Humabol sa deadline ng paghahain ng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE ang mga tumakbo sa pagka-pangulo sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) kahapon.
Dala ang male-maletang mga dokumento, naghain ng SOCE ang mga abogado ni Duterte kung saan nakadeklara na umabot sa 375 million pesos ang kanyang tinanggap na donasyon at gumastos lamang ng 371.6 million pesos sa pangangampanya.
Bagama’t walang ipinagkaloob na pondo ang kanyang partidong PDP-Laban, umulan naman ng donasyon mula sa mga malalaking negosyante at mayayamang tagasuporta nito mula sa Davao City.
Kabilang sina dating Davao del Norte Antonio Floreindo Junior na nagbigay ng 75 million, Dennis Uy ng Phoenix Petroluem, Samuel Uy ng Davao Farms, Lorenzo Te ng Honda Cars Davao at maging ang ka-tandem nitong si Senator Allan Peter Cayetano.
Nanguna naman sa may pinakamalaking nagastos sa kampanya si Senator Grace Poe kung saan pumalo sa 510.84 million.
Umabot naman sa 463.45 million pesos ang nagastos ni outgoing Vice President Jejomar Binay habang pinakonti naman ang kay Senator Miriam Defensor Santiago na gumastos lamang ng 74. 6 million pesos.
Bigo naman makapaghain ng kanyang SOCE si dating DILG Sec. Mar Roxas.
VP
Pinamaraming nagastos sa pagtakbo sa pagka-Vice President si Leni Robredo.
Sa kanyang inihaing Statement of Contributions and Expenditures, umabot sa 423 million pesos ang kanyang tinanggap na pondo mula sa iba’t ibang mga campaign contributors.
Labing anim (16) na milyon sa naturang halaga ay mula sa partido ni Robredo ang Liberal Party.
Pumalo naman sa 140.54 million pesos ang nagastos sa kampanya ni Senator Bongbong Marcos, 130. 7 million ay mula sa mga contributors habang halos 10 milyong piso naman ay mula sa kanyang sariling bulsa.
Gumastos naman si Senator Chiz Escudero ng 320 million pesos para sa kampanya, 189 million kay Senator Allan Peter Cayetano habang 61. 89 million pesos naman kay Senator Antonio Trillanes.
Pinaka konting ginasta sa kampanya si Senator Gringo Honasan na saan umabot lamang sa 26. 25 million pesos, mula umano sa mga donasyon ang 25.9 million pesos habang P300,000 naman ay kanyang sariling pera.
Senators
Kabilang sa mga humabol sa paghahain ng Statement of Contribution and Expenditures o SOCE ang mga senatoriables.
Pinakamalaking ginastos sa kanyang pangangampanya para sa pagka senador ay si dating Metropolitan Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino na umabot sa 199.15 million pesos ngunit bigo naman itong Manalo.
Sinundan ito nina dating TESDA Chief Joel Villanueva 163.78 million pesos, dating Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian 157.07 million pesos at Ralph Recto 131. 37 million pesos na pare-parehong nakakuha ng pwesto.
Naitala rin ang 120 million pesos na gastos ni dating Vice Mayor Isko Moreno at 92.30 million naman sa natalong Senador Teofisto Guingona III.
By Rianne Briones