Tumanggi muna si Vice President Leni Robredo na sagutin kung ano ang kanyang plano para sa 2022 national elections.
Kasunod ito ng naging pasiya ng korte suprema na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) sa election protest ni dating Senador Bongbong Marcos.
Ayon kay Robredo, nais niya munang namnamin ang kanyang pagpanalo sa electoral protest.
Aniya, halos limang taon niyang hinintay ang desisyon ng korte suprema hinggil sa usapin.
Samantala, sinabi naman ni Robredo na hindi si Pangulong Rodrigo Duterte ang magpapasiya kung kuwalipikado siya o hindi para tumakbo bilang Pangulo.
Ito ay bilang tugon sa pahayag ni Pangulong Duterte na wala siyang kakayahan para maging Pangulo ng Pilipinas.
Gusto ko muna namnamin ang araw na ito, almost 5 years din naming hinintay, parang, again,syempre paulit-ulit naming sinasabi pero yun talaga yung totoo. Nakita niyo naman siguro ang opisina naming, para pa rin kaming bodega, parang immerse pa kasi kami sa pang-araw-araw, yung pang araw-araw na pagtugon sa pangangailangan na yung ating, mga naapektuhan ng pandemya na pakiramdam ko kasalanan na pulitika ang isipin ko″pahayag ni Vice President Leni Robredo.