Mabigat ang magiging trabaho ni Vice President Leni Robredo bilang bagong co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Ayon kay Caloocan Rep. Edgar Erice ng Liberal Party National Executive Council, ito na pagkakataon ng pangalawang pangulo na para impluwensiyahan ang gobyerno na magpatupad ng pagbabago sa national drug program at policy ng gobyerno.
Talagang napakahirap, at palagay ko ay siya ay susuot sa butas ng karayom at napakalaking hamon ito kay Vice President Leni,” ani Erice.
Samantala, sinabi ni Erice na personal na desisyon ni Vice President Robredo na muling maging kabahagi ng gabinete ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito na ‘yung konsultasyon na naganap at sa bandang huli na niya naiwasan ‘yung tawag ng pagkakataon,” ani Erice. — sa panayam ng Ratsada Balita