Binakbakan ni Vice President Leni Robredo si Presidential Spokesman Harry Roque.
Sinabihan ni Robredo si Roque na wala itong karapatang i-bully ang medical frontliners na aniya’y nagbubuwis ng kanilang buhay para sagipin ang mga may sakit ng COVID-19.
Hindi aniya deserve ng mga doktor ang pag trato ni Roque sa kanila dahil marami na rin sa mga ito ang nawalan ng kasamahan dahil sa COVID-19.
Ayon kay Robredo, itinatag ang IATF para pakinggan ang concerns ng lahat ng sektor at kung hindi sang ayon si Roque, puwede namang sabihin ng maayos at hindi kailangang mambastos dahil ang mga opisyal ng gobyerno na tulad niya ay para katawanin ang taumbayan.
Binigyang diin ni Robredo na may karapatan ang medical frontliners na ilabas ang mga hinaing nito dahil kinatawan naman sila ng kanilang sektor.