Agad-agad bumuwelta si Vice President Leni Robredo matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na huwag siyang paniwalaan.
Sa isang Facebook post idinaan ni Robredo ang kaniyang mensahe para sa pangulo kaugnay sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Robredo, hindi sapat na basta may ospital, kama at punerarya, at ang kailangan na lang gawin ay maghintay ng bakuna.
Naglista pa ang bise presidente ng mga suhestyon kung papaano mapipigilan ang pagkalat ng COVID-19 at matutugunan ang epekto ng pandemya sa ekonomiya.
Giit pa ni Robredo, hindi maso-solusyunan ang COVID-19 sa pag-spray ng pesticide sa manila galing sa eroplano.