Biyaheng Sydney, Australia si Vice President Leni Robredo para dumalo sa isang event na pangungunahan ng Australia – Philippines Business Council.
Ang biyahe ng bise pangulo ay kasunod ng muli na namang pagpapaliban ng presidential electoral tribunal sa deliberasyon sa electoral protest ni dating senador Bongbong Marcos.
Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, tatalakayin ng vice president ang mga kababaihan sa pagnenegosyo.
Nakatakda rin humarap si Robredo sa Filipino community doon.
Paglilinaw naman ni Gutierrez, hindi tax payer’s money kundi sariling pera ng bise presidente ang kanyang gagamitin sa byahe.
Nakatakdang bumalik sa bansa si Robredo sa Sabado.