Hindi nagpatinag si Vice President Leni Robredo sa kabila ng pagkakasibak sa kanya ni Pangulong Rodrgio Duterte bilkang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Sa pulong-balitaan ng pangalawang pangulo ngayong araw ng Lunes, ika-25 ng Nobyembre, binigyang diin nito na bagaman tinanggalan na siya ng posisyon sa ICAD ay mananatli ang kanyang determinasyon upang matigil ang patayan at maipanalo ang kampanya kontra ilegal na droga.
Makakaasa kayo kahit tinanggalan ako ng posisyon, hinding-hindi nila kayang tanggalin ang aking determinasyon —determinasyong itigil ang patayan, panagutin ang kailangang managot, at ipanalo ang kampanya laban sa ilegal na droga,”
Kinuwestiyon din Robredo kung ano ang kinatatakutan ng administrasyon na malaman niya maging ng taongbayan hinggil sa war on drugs.
Ngayon ang tanong ko —ano ba’ng kinatatakutan ninyo? Ano ba ang kinatatakutan ninyong malaman ko? Ano ba ang kinatatakutan ninyong malaman ng taong bayan?”
Iginiit din nito na ang droga at mga druglords ang kalaban ng gobyerno at hindi ang pangalawang pangulo.
Alalahanin natin na ang droga at mga druglord ang kalaban, hindi ako, at lalong hindi ang taongbayan,”
Sinabi rin ni Robredo na sa mga susunod na araw ay isisiwalat ni Robredo ang kanyang mga nalaman at mga nakalap na impormasyon sa ICAD.
Sa mga susunod na araw, magbibigay ako ng ulat sa bayan; sasabihin ko ang aking natuklasan at ang aking mga rekomendasyon,”
Magugunitang noong nakaraang Nobyembre 6 lamang nang tanggapin ni Robredo ang tila hamon ni Pangulong Duterte sa kanya na maging co-chair ng ICAD.
Samantala, dahil sa pagkakasibak nito kahapon, Nobyembre 24, ay 19-araw lamang siyang nanungkulan bilang co-chair ng ICAD.