Handang harapin ni Camarines Sur Representative Leni Robredo ang anumang electoral protest na isasampa laban sa kanya.
Ito’y sa oras na maiproklama na siya bilang nanalong bise presidente.
Ginawa ni Robredo ang pahayag kasunod ng pagpapahinto ng kampo ni Senador Bongbong Marcos sa partial and unofficial count sa vice presidential race.
Pero, para kay Robredo, walang dahilan para ipahinto ang bilangan.
Support for Duterte
Tiniyak ni Camarines Sur Representative Leni Robredo ang 100 porsyentong suporta kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Inihayag ito ni Robredo sa isang press conference kahapon kung saan sinabi nito na kahit hindi nanalo ang ka-tandem niyang si Mar Roxas, buong-buo aniya ang ibibigay niyang suporta kay Duterte na siyang pinili ng taumbayan na maging susunod na pangulo ng bansa.
Pinapurihan ni Robredo ang COMELEC at pinasalamatan ang mga guro na nagsilbing board of election inspectors (BEI’s) at maging ang mga volunteer.
Umapela rin ito sa taumbayan na hintayin ang opisyal na resulta ng halalan.
By Meann Tanbio