Handa pa rin na tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno si Vice President Leni Robredo sa susunod na taon.
Ito’y matapos maraming napaulat na umano’y pagkandidato ni Robredo bilang gobernador ng Camarines Sur.
Ayon kay Robredo, sa ngayon hindi pa siya tumatanggap ng kahit anumang political meetings dahil mas pinagtutuunan niya ng pansin ang nararanasang pandemya sa bansa.
Dagdag pa ni Robredo, siguro kung walang pandemya ay maaaring nakatuon ito sa pulitika.
Sinabi pa ni Robredo na mas naaakit itong tumakbo sa local government kung saan nais nitong magserbisyo sa mga komunidad.
Samantala, hindi naman aniya isinasara ang kanyang pinto sa lahat ng posibleng mangyari tulad ng pagkandidato bilang pangulo ng bansa. —sa panulat ni Rashid Locsin