Wala pa sa agenda ng susunod na cabinet meeting ang isyu ng iligal na droga.
Ito ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles ay kaya’t hindi pa maaaring makasama sa susunod na cabinet meeting si Vice President Leni Robredo matapos nitong tanggapin ang alok na maging Co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.
Sinabi ni Nograles na batay sa kaniyang pagkakaalam walang appointment paper si Robredo para bigyan ng cabinet rank ang pagiging Co-chair nito ng ICAD.
Batay sa memorandum para sa mga idaraos na cabinet meetings sa Malakaniyang na matagal nang inisyu, tanging mga regular na miyembro lamang ng gabinete ang palagiang pinapadalo sa pagpupulong.
Maliban na lamang kung may pangangailangang ipatawag din ang iba pang opisyal ng gobyerno na hindi miyembro ng gabinete subalit kailangang mag prisinta ng kanilang mga trabaho sa hinahawakan nilang opisina.