Bumuwelta si Vice President Leni Robredo matapos siyang makatanggap ng mga patutsada mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang Twitter post, sinagot ni Robredo ang tanong ng pangulong kung anong oras siya umuuwi sa gabi at ilang bahay ang kanyang inuuwian.
Tugon ni VP Robredo sa naging pahayag ng Pangulong Duterte | via @lenirobredo https://t.co/7yDkKd8uvK
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 17, 2020
Sinabi ni Robredo na ilang linggo na silang nagpupuyat para matiyak na may maidadalang tulong sa mga biktima ng pananalasa ng mga nagdaang bagyo.
Nilakipan pa niya ang post ng isang video kung saan makikitang nag-rerepack ng mga relief goods ang kanyang mga staff at ibang volunteers.
Tinawag din ni Robredo na misogynist si Pangulong Duterte kaya bumababa ang lebel ng usaping tinatalakay nito.
Maliban dito, itinanggi rin ni Robredo ang naging akusasyon ni Pangulong Duterte na kanya itong hinahanap at siya ang nagpasimula ng #NasaanAngPangulo noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.
Aniya, ang tanging pinuna lamang niya ay ang fake news mula kay Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo na nagsabing gumamit siya ng eroplanong pag-aari ng pamahalaan para mamahagi ng relief goods.
Dagdag ni Robredo, tila may nagpaabot din ng mga pekeng balita kay Pangulong Duterte kaya ganun na lamang aniya itong napikon.
I just called out Sec Panelo for peddling fake news. I am also calling out whoever peddled the fake news to the President, kaya ganito siya ka pikon. I never said “Where is the President”? You can review all my tweets.
— Leni Robredo (@lenirobredo) November 17, 2020