Hindi makadadalo sa cabinet meeting si Vice President Leni Robredo kung wala naman sa agenda ang ilegal na droga.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, iimbitahan lamang si Robredo kung kailangang talakayin ang ilegal na droga kung hindi ay hindi nito kailangan pang dumalo.
Dagdag pa ni Panelo, isa itong derektiba mula kay Pangulong Rodrigo Duterte at dapat ay matuwa pa si Robredo dahil mabibigyan siya ng tiyansa na makapakinig sa usapin hanggang madaling araw.
Magugunitang isinasagawa ang cabinet meeting sa Malakanyang tuwing unang Lunes ng buwan.