Hinamon ni Vice President Leni Robredo ang Pangulong Rodrigo Duterte na diretsuhin na lamang s’ya kung gusto nitong bawiin ang pagkakatalaga sa kanya bilang co-chair ng Inter Agency Committee Against Illegal Drugs (ICAD).
Tugon ito ni Robredo sa pahayag ng Pangulo na wala s’yang tiwala sa Bise Presidente kaya’t hindi nya itinuloy ang planong bigyan ulit ito ng posisyon sa kanyang gabinete.
Dapat deretsuhin na lang ako, deretso naman akong kausap kung ayaw niya ako dito in the first place bakit ako inappoint, kung ayaw na n’ya kung nagkamali siya sa pag-appoint sakin at gusto n’yang bawiin sabihin lang. Madali akong kausap, pero habang meron ini-expect sakin na trabaho gagawin ko,” ani Robredo.
Matatandaan na hindi nagustuhan ng Pangulo ang anya’y pakikipag-usap ni Robredo sa mga human rights advocates ng Estados Unidos at United Nations.
Sinabi ng Pangulo na wala s’yang tiwala kay Robredo dahil hindi naman nya ito kilala.
Binigyang diin ng Pangulo na need to know basis lamang ang papel ni Robredo bilang co-chair ng ICAD.
Before you open your mouth kindly think, dito puro imbita ka na ‘I will invite the United Nations’ edi imbitahin mo silang lahat pero sabi ko barahin ka na, ang sa iyo need to know ka lang but as an ICAD you can direct sabi ko, you can give the directions, you can give the guidance but you do not have to go there and waggle inside the law enforcement process. Magsama ka doon sa mga (operations) mabuti, I suggest you go there sa mga pulis, ako I suggest,” ani Duterte.