Kinilala ni Vice President Leni Robredo ang ipinakitang tapang ng bayaning si Andres Bonifacio.
Sa mensahe ng bise presidente ngayong ipinagdiriwang ang kaarawan ni Bonifacio binigyang diin nito ang kakaibang tapang na taglay ng bayani.
Ayon kay Robredo, maraming ang pagkakakilanlan kay Bonifacio, nariyan ang pagiging Batang Tondo, dakilang maralita, mensahero, Supremo ng Katipunan, ama ng himagsikang Pilipino.
Hindi umano pakitang tao ang tapang nito kaya’t hindi basta-basta ito tumitiklop dahil mahirap ang landas na kaniyang hinaharap.
Kaugnay nito, umaasa rin si Robredo na magiging gabay at huwaran ang buhay at tapang ni Bonifacio sa pagsalubong ng mga Filipino ng hamon ngayong panahong ito at sa pagsulong sa hinaharap.