Kinukunsider ni Vice President Leni Robredo ang pagbabawas sa mga pinupuntahang ceremonial at social functions ngayong tinanggap na niya ang pagiging Co-chair ng Inter Agency Committee Against Illegal Drugs (ICAD).
Sinabi ni Robredo na nag sorry siya sa kaniyang staff dahil batid niyang kulang na ang kanilang oras ay tumanggap pa siya ng assignment.
Ang tinutukoy ni Robredo ay ang flagship anti poverty program ng kaniyang opisina ang Angat Buhay kung saan nakikipag tulungan siya sa pribadong sektor para tumulong sa mga komunidad na kailangan ng basic services at livelihood.
Subalit nilinaw naman aniya niya sa kaniyang staff na kaunting oras lamang ang madadagdag sa kanilang trabaho at sa halip ay i a-adjust na lamang niya ang mga dinadaluhang ceremonial at social functions.
Maliban na lamang ayon kay Robredo sa mga provincial visits niya na tuluy-tuloy dahil commitment niya ito nuon pang 2016 lalo pat maraming komunidad ang umaasa sa kanila gayundin ang maraming partners nila mula sa private sectors.