Nakatakdang mag-desisyon ngayong buwan si Camarines Sur Representative Leni Robredo kung siya ay tatakbong muli sa pagka-kongresista o senador naman.
Ayon kay Robredo, maaari siyang tumakbo sa Senado kung gaganda ang kanyang standing sa mga survey.
Muli sinabi ni Robredo na wala sa kanyang plano ang pagtakbo sa pagka-Bise Presidente.
Samantala, halos ganito rin ang tono ni DOJ Secretary Leila de Lima.
Ayon kay de Lima, desidido naman siya na tumakbong Senador sa darating na eleksyon ngunit wala naman sa kanyang hinagap na tumakbo bilang Pangalawang Pangulo.
Parehong lumutang ang pangalan ni Robredo at de Lima para makatandem ni Liberal Party Presidential bet Mar Roxas.
By Rianne Briones