Hinimok ni incoming Vice President Leni Robredo ang mga Pilipinong magkaisa na at suportahan ang papasok na administrasyon.
Kasunod na rin ito nang pagdalo ni Robredo sa National Day Celebration para sa Filipino Community sa Tokyo, Japan kahapon.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Robredo na natapos na ang eleksyon kayat panahon nang magkaisa ang mga Pilipino at suportahan si incoming President Rodrigo Duterte.
Si Robredo ay inimbitahan ni outgoing Philippine Ambassador to Japan Manuel Lopez sa nasabing event na naging farewell party na rin ng ambassador at maybahay nitong si Teresa.
Not giving up
Never say die pa rin si Vice President-elect Leni Roberdo na makaharap at makausap si incoming President Rodrigo Duterte.
Ayon kay Robredo, nauunawaan niya ang bigat ng iskedyul ni Duterte lalo’t marami itong dinadaluhang mga pagpupulong.
Handa naman aniya siyang maghintay para mapagbigyan ang kanyang hiling at sa katunayan aniya’y sumubok na silang makakuha ng appointment.
Bagama’t sa hiwalay na lugar manunumpa sina Duterte at Robredo sa puwesto, may ilang impormasyon na lumulutang kung saan, imbitado umano ang bise presidente sa gagawing inagurasyon ni Duterte sa Malacañang.
By Judith Larino | Jaymark Dagala