Dumistansya si Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin sa mga ulat na may desisyon na sila sa electoral protest ni dating senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Bersamin, wala pang nangyayaring botohan sa nasabing kaso.
Ipinaliwanag ni Bersamin na hindi sila obligado na aprubahan ang report ni Justice Alfredo Benjamin cCaguioa hinggil sa revision at recount ng mga balota sa tatlong pilot provinces na pinili ni Marcos.
Una nang ibinunyag ng isang kolumnista na bumoto ng 8-6 ang Presidential Electoral Tribunal (PET) pabor sa pagpapatuloy ng pagdinig sa electoral protest na inihain ni Marcos laban kay Robredo.