“Ipagtanggol ang kalayaan sa gitna ng mga banta sa demokrasya.”
Ito ang naging panawagan ni Bise Presidente Leni Robredo sa publiko kasabay ng paggunita ng pasko ng pagkabuhay ngayong linggo.
Hinimok din ni Robredo ang publiko na gawing liwanag ang lakas at ang naging sakripisyo ni Kristo upang patuloy na tumindig para ipagtanggol ang karapatang pantao at kalayaan.
Binigyang-diin din ng pangalawang pangulo na lahat ay may pagkakataong magbago at mapabuti hindi lamang ang sarili para sa pansariling interes kundi para rin sa kapakanan ng bawat mamamayan.