Ipinalalantad ni Vice President Leni Robredo sa PNP-CIDG ang mga dokumento at iba pang ebidensya sa kasong sedisyon na isinampa laban sa kanya, mga miyembro ng oposisyon at ilang pari.
Nakapaloob ito sa motion for production of evidence na inihain ng kampo ni Robredo sa Department of Justice (DOJ).
Ang mosyon ay inihain ni Robredo, isang araw bago ang pagsisimula ng preliminary investigation sa kanilang kasong sedisyon.
Matatandaan na idinawit ni Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’ si Robredo, dating senador Antonio Trillanes at iba pa sa pagpapalabas ng ‘Ang Tunay na Narco List’ videos kung saan inaakusahan ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa illegal drugs syndicate.
with report from Bert Mozo (Patrol 3)