Pinayuhan ni Vice President Leni Robredo si dating senador Bongbong Marcos sa posibleng pagtakbo nito sa national post sa 2022 elections.
Ayon kay Robredo, kung matatalo rin si Marcos at hindi nito matatanggap ang kaniyang pagkatalo, mas mabuting huwag na lamang tumakbo ang dating senador.
Sinabi ni Robredo na pagkatapos ng kaniyang termino sa 2022 ay tapos na rin ang electoral protest laban sa kaniya.
Binibigyang diin ng bise presidente na karapatan ng sinuman ang tumakbo sa eleksyon subalit dapat lahat ng tatakbo ay tatanggapin ang resulta ng eleksyon.