Ikinabahala ni Vice President Leni Robredo ang pagdagsa ng publiko sa white sand area sa Manila Bay gayung nagpapatuloy pa ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ani Robredo, dapat para isaisip ng bawat isa na sundin at mga ipinatutupad ng health protocols gaya ng social distancing.
Kasabay nito, nanawagan si Robredo sa publiko na kapag magpupunta sa Manila Bay para masilayan white sand, ay magdoble ingat.
Magugunitang pinasinayahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang white sand area sa Manila Bay kasabay ng pagdiriwang ng International Coastal Cleanup Day.