Target ni Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) Co-chairman, Vice President Leni Robredo na ma-consolidate o pag-isahin ang lahat ng impormasyon sa kampanya kontra iligal na droga bago matapos ang taon.
Ayon kay Robredo, unang napagkasunduan sa kanyang pakikipagpulong sa enforcement cluster ng ICAD ang tapusin na ang baseline data ng war on drugs na naglalaman ng kabuuang bilang ng mga naaresto, sumuko at kinasuhang mga suspek.
Aniya, mahalagang magkaroon ng baseline data para magawan ng assessment ang anti-drug campaign at makita kung ano ang mga naging epektibo at hindi sa loob ng tatlong taong pagpapatupad nito.
Gayundin ang estado ng mga kaso ng mga naarestong drug suspects at bilang ng mga isinailalim sa rehabilitasyon.