Nais na paimbestigahan ni Vice President Leni Robredo ang ulat na karamihan ng mga iligal na droga na pumapasok sa bansa ay mula sa China na itinuturing namang kaalyado ng Pilipinas.
Ayon kay Robredo, karamihan sa mga naarestong sangkot sa illegal drugs operation ay mga Chinese-National o kaya naman ay mga Chinese-Filipino.
Aniya, nais niya ng mas marami pang impormasyon kasunod ng nalaman niya na ang China ang siyang pinakamalaking source ng illegal drugs na ibinibenta sa bansa.
Si Robredo ay Co-chairman na ng Inter-Agency Commitee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) matapos na italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte.