Nakatakdang dumalo si Vice President Leni Robredo sa simulation class ng pagpapatupad ng blended learning method.
Ito’y sa gitna ng paghahanda ng Department of Education (DepEd) sa nalalapit na pasukan ngayong buwan.
Ayon kay Robredo, dapat ay matugunan rin ng gobyerno ang isyu ng blended learning sa mga malalayong eskwelahan o iyong mga rural school districts.
Kalimitan kasi aniya sa mga kinakaharap na problema ng mga paaralang ito ay ang pagkakaroon ng internet connectivity at parental guidance ng mga bata.
Ani Robredo, wala ring saysay kahit pa araw-araw ang dry run kung hindi naman sinosolusyunan ang problema sa mga malalayong lugar.
Giit ni Robredo, hindi tama na iyong mga mahuhusay o mga paaralang may kakayahan ay magsisimula na at yung mga hindi pa makapagsimula ay hahabol na lamang.