Si Camarines Sur Representative Leni Robredo ang hinirang na panalong Bise Presidente sa natapos nang canvassing of votes.
Sa official tally ng Kongreso, na siyang tumayong National Board of Canvassers, mayroong higit sa Labing-Apat na Milyong boto si Robredo.
Mahigit sa Dalawang Daang libong boto lamang ang nasa pagitan nila ni Senador Bongbong Marcos.
Matatandaang nanguna pa si Sen. Marcos nang umpisahang bilangin kahapon ang mga boto mula mga lalawigan ng Antique at Iloilo city.
Ngunit nang matapos ang bilangan ng boto para kay Robredo sa mga nasabing lugar, lumamang pa ito ng mahigit sa Isangdaan at Pitumpung libong boto.
By: Avee Devierte