Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa publiko na gawin ang ibayong pag-iingat para maiwasan ang pagkalat ng 2019 corona virus disease (COVID-19).
Ito’y makaraang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang local transmission ng nasabing virus sa Pilipinas gayundin ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga apektado ng nasabing virus.
Ayon kay Robredo, bagama’t patuloy ang ginagawang mga pag-aaral at pananaliksik hinggil sa nasabing virus, mainam pa ring gawin ng publiko ang pagiging kalmado at alerto para hindi ito kumalat.
Wala aniyang mabisang pamamaraan upang maka-iwas sa sakit na dulot ng COVID-19 ang pagiging malinis sa katawan at kapaligiran.
Gayundin ang pag-iwas sa matataong lugar at direktang contact sa mga hayop maging sa mga taong hinihinalang may sintomas ng sakit dulot ng nabanggit na virus.