Dapat na kilalanin ng mga Pilipino ang sakripisyo ng pamilya Aquino para sa bansa.
Ayon ito ni Vice President Leni Robredo bilang paggunita sa ika-33 anibersaryo nang pagpatay kay Dating Senador Benigno Ninoy Aquino, Jr.
Sinabi ni Robredo na mas malungkot ang paggunita sa kamatayan ng Dating Senador dahil na rin sa pagpanaw ng anak na si Dating Pangulong Noynoy Aquino dalawang buwan na ang nakakalipas.
Binigyang diin ni Robredo na kasama ang Dating Pangulong Corazon Aquino, isang mag-anak silang nagpakita ng kabayanihan at pagmamahal sa bayan kayat dapat bigyang pugay ang katapangan ni Ninoy nang piliing talikuran ang pansariling kaginhawahan upang ialay ang buhay para sa kalayaan ng mga Pilipino.
Ang hamon ngayon aniya sa mga Pilipino ay panatilihing buhay ang bunga ng nasabing sarkipisyo mula sa pagharap sa mga hamon ng pandemya hanggang sa paninindigan para sa karapatan sa bawat pagkakataon.