Nanindigan si Vice President Leni Robredo na hindi siya magbibitiw bilang Co–chair ng Inter–Agency Committee on Anti– Illegal Drugs (ICAD).
Ito ang sinabi ng tagapagsalita ng Pangalawang Pangulo na si Atty. Barry Gutierrez kasunod ng pahayag ng Malakanyang na maaring magbitiw sa pwesto si Robredo kung hindi nito kaya ang init.
Ayon kay Gutierrez, inaasahan na ng Pangalawang Pangulo ang init at gulo ng iniatang sa kanyang trabaho.
Aniya, sa kabila nito ay handa pa rin si Robredo na gawin ang trabahong ipinagkatiwala sa kanya.
Una nang sinabi ni Robredo na diretsahin na lamang siyang paalisin ni Pangulong Duterte kung wala itong tiwala sa kanya.