Inihayag ni Vice President Leni Robredo na sakaling manalo siya sa pagka Pangulo ay hindi papasok ang Pilipinas sa kahit anomang kasunduan sa China na may kaugnayan sa West Philippine Sea.
Ito’y hangga’t hindi aniya kinikilala ng China ang 2016 Arbitral Ruling.
Sa kabilang banda, nilinaw ni Robredo na bukas siyang maka trabaho ang China sa mga bagay na hindi magiging kumplikado sa bansa.
Dagdag ni Robredo, naniniwala rin umano siyang mas magiging kapaki-pakinabang sa Pilipinas ang pagkakaroon ng “Inclusive At Independent” Foreign Policy.