Nanindigan si Vice President Leni Robredo na wala siyang kinalaman sa isinampang impeachment complaint ng Magdalo Party-List laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang panayam sa Naga City sinabi ni Robredo na mismong ang grupong Magdalo na ang nagsabi na wala siyang kinalaman sa pagpapatalsik sa Pangulo.
Ayon pa kay Robredo, mismong ang Presidente na rin ang naglinis sa pangalan niya sa anumang destablization plot sa kasalukuyang administrasyon
Sa isyu naman ng impeachment complaint na planong isampa sa kanya ni House Speaker Pantaleon Alvarez, sinabi ni Robredo na ayaw niya munang magkomento dito dahil hindi niya pa lubusang alam ang basehan ng kongresista.
By Jonathan Andal