Naniniwala si Vice President Leni Robredo na hindi makatutulong sa kaso ng pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo ang pagbibitiw sa pwesto ni Philippine National Police o PNP Chief Ronald Dela Rosa.
Ayon kay Robredo, bagaman na dapat managot si Dela Rosa dahil responsibilidad niya ang gawain ng mga pulis, hindi naman, aniya, dapat na bumaba sa pwesto ang PNP Chief.
Sinabi ni Robredo na pagtukoy sa mga salarin at pagpapanagot sa kanila ang solusyon sa kaso.
Kaugnay nito, nanawagan si Robredo kay Dela Rosa na linisin ang hanay ng pulisya upang maibalik ang tiwala ng publiko sa mga pulis.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal