Bukas pa rin si Vice President Leni Robredo na tumakbo bilang Pangulo sa 2022 election.
Ito ang inanunsyo ni Robredo taliwas sa inihayag ng isang dating mambabatas na gobernador ang tatakbuhang posisyon ng Bise Presidente sa national and local elections.
Paglilinaw ni Robredo, wala pa siyang desisyon kung tatakbo siyang gobernador kaya’t nananatili siyang bukas na maging kandidato sa pagka-Pangulo.
Marami pa kasi aniya ang kailangang isaalang-alang bago siya magpasya ngunit ang sigurado umano ay magdedesisyon siya tamang panahon.