Pinare-rekunsider ni Vice President Leni Robredo sa korte suprema ang naunang desisyon nito na ipatuloy ang electoral protest ni dating Senador Ferdinand Bong-Bong Marcos, Jr.
Iginiit ni Atty Romulo Macalintal, isa sa mga abogado ni Robredo na nabigo si Marcos na tukuyin ang umano’y iregularodad sa isinagawang eleksyon sa ilang lugar at presinto.
Sinabi ni Macalintal na ang isinumiteng affidavits ay para lamang sa halos 60 munisipalidad at component cities gayung kinukuwestyon ng kampo ni Marcos ang idinaos na eleksyon sa mahigit 600 lugar.
Binigyang diin pa ni Macalintal na hindi rin ipinahiwatig sa PET Resolution ang validity ng claim ni Marcos na nagkaroon ng dayaan noong May 2016 Elections.
By Judith Larino