Pinayuhan ng Malakanyang si Vice-President Leni Robredo na mag-aral munang mabuti bago umaray sa mga gimik nito laban sa gobyerno.
Ito ang tugon ng Malakanyang sa naging pahayag ni robredo na may “Palit-Ulo” Scheme umano ang Duterte administration sa operasyon kontra iligal na droga.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, “mislead, misinformed at misguided” si Robredo at hindi naipaliwanag sa kanyang mabuti ang Palit-Ulo.
Anya, sa pagkakaalam niya sa Palit-Ulo ay hinuhuli muna ang maliliit na drug pusher upang ituro ang mas malaking isda sa illegal drug trade sa bansa.
Gayunman, sa bersiyon ng online video message ng Pangalawang Pangulo, hinuhuli umano ng mga pulis ang mga kaanak ng drug suspect kapag wala sa bahay ang target ng warrant of arrest.
By Drew Nacino |With Report from Aileen Taliping