Tila nasa tamang direksyon ang mga ginagawa ni bagong PNP Chief Guillermo Eleazar.
Ayon ito kay Vice President Leni Robredo matapos purihin si Eleazar sa pagbubukas ng isyu ng drug war sa DOJ na aniya’y pagpapakita na may problema talaga at kailangan itong solusyunan.
Taliwas ito aniya sa nakalipas na liderato ng PNP na itinatago ang mga impormasyon sa usapin ng drug war.
Sinabi ni Robredo na malaking bagay ang pagpapakita ng liderato ni Eleazar na desidido itong linisin ang kanilang hanay na nasisira dahil sa extra judicial killings at tiwala aniya siyang tuloy-tuloy itong gagawin ng PNP Chief para mapalakas ang institusyon.
2019 nang magsilbi si Robredo sa loob ng tatlong linggo bilang co-chair ng inter agency committee on anti illegal drugs na puwestong binuo lamang matapos nitong batikusin ang drug war campaign ng gobyerno.