Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang kapwa opisyal na respetuhin ang mga nasa priority list ng vaccination program.
Ito’y matapos may naiulat na ilan sa mga government officials ay naturukan na ng bakuna kung saan prayoridad ang mga health care workers.
Ayon kay Robredo, mas mainam na hintayin kung kailan maaari ng magpabakuna dahil mayroong mga essential worker na grabe ang exposure sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Magugunitang sinabi ni Robredo na handa itong magpabakuna kontra COVID-19 ngunit ito’y depende pa rin sa mga eksperto dahil may sinusunod na listahan ang gobyerno sa pagbabakuna.
Dahil dito, dumepensa ang Malakanyang sa pagbabakuna ng ilang opsiyal na ito’y isa sa hakbang nila upang mahikayat ang publiko na magpabakuna.
Samantala, nagbabala rin ang World Health Organization na maaaring maapektuhan ang shipment ng bakunang mula sa Covax facility kung hindi susundin ang mga nasa priority list. —sa panulat ni Rashid Locsin