Todo suporta na ang magkakapatid na Robredo sa pagtakbo ng inang si Congresswoman Leni Robredo sa pagka-Bise Presidente sa 2016.
Ayon kay Aika Robredo, panganay na anak ng kongresista, inihanda na nila ang kanilang mga sarili sa mga mangyayari matapos nilang paboran ang alok sa inang maging running mate ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas.
Sinabi naman ni Tricia Robredo na kontra siya sa pagtakbo sa mas mataas na posisyon ng ina subalit sumuporta na rin nang makita niya ang buong loob nito sa pagsabak sa eleksyon.
Nakatulong din aniya sa pagtanggap niya ng nasabing hamon ang pangako ng supporters ng kanilang pamilya.
Ipinabatid ni Aika ang pagre-resign sa NDRRMC samantalang iiwan muna pansamantala ni Tricia ang medical school para tumulong sa kampanya ng kanilang ina.
Hindi naman full time ang pangangampanya ng bunsong anak ni Robredo na si Jillian dahil sa edad nito.
By Judith Larino