Umaasa si Vice President Leni Robredo na ilalabas na ang desisyon ng Presidential Electoral Tribunal o PET kaugnay sa electoral protest na isinampa ni dating Senador Bongbong Marcos.
Kasabay nito positibo rin ang Bise Presidente na papabor ang desisyon sa kanilang kampo.
Ayon sa isang panayam kay Georgina Hernandez, tagapagsalita ng Bise Presidente, wala aniyang maipakitang sapat na basehan at mahina rin ang ebidensya ng kampo ni Marcos para suportahan ang kanilang protesta.
Ngunit paglilinaw ni Hernandez na ayaw pa rin nilang pangunahan ang desisyon ng kataas-taasang hukuman hinggil sa nasabing protesta.
—-