Wala muna sa plano ni Vice President Leni Robredo ang pagtakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections.
Tugon ito ni Robredo sa gitna ng mga lumalabas na pahayag sa posibleng paghaharap nila ni Presidential Daughter Davao City Mayor Sara Duterte.
Itutuon muna umano ni Robredo ang kanyang atensyon sa kanyang mga proyekto bilang pangalawang pangulo.
Naniniwala din si Robredo na ang pagiging pangulo ay nakatadhana at hindi basta-basta lamang mapaghahandaan.
Samantala, una nang sinabi ni Inday Sara na taong 2021 pa siya magdedesisyon kung tatakbo siya sa pagkapangulo.