Walang naghihintay na puwesto sa ngayon para kay incoming Vice President Leni Robredo sa papasok na administrasyon ni President-elect Rodrigo Duterte.
Inihayag ito ni Duterte sa kanyang pulong balitaan nitong Sabado ng gabi kung saan, sinabi nito na ang mga mapagkakatiwalaang kaibigan muna ang kaniyang prayoridad sa ngayon.
Pabiro pang sinabi ni Duterte na sana’y hindi siya saksakin patalikod nang tangungin kung ano ang magiging papel ni Robredo sa kanyang administrasyon.
Bahagi ng pahayag ni incoming President Rodrigo Duterte
Sa panig naman ni Robredo, wala namang problema sa kanya kung hindi pa mapagpapasyahan ni Duterte kung ano ang ibibigay sa kanyang papel sa administrasyon nito.
Una rito, inihayag ni Senador Alan Peter Cayetano na posibleng ilagay si Robredo sa National Anti-Poverty Council o NAP-C dahil nais aniya ng bise presidente na tutukan ang mga programa para sa mga mahihirap.
Bahagi ng pahayag ni incoming VP Leni Robredo
By Jaymark Dagala