Tapos na ang boksing.
Ito, ayon kay Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Vice President Leni Robredo, sa panayam ng DWIZ, ay makaraang tuluyan nang ibasura ng Korte Suprema ang electoral protest na inihain ni dating senador Bongbong Marcos laban sa pangalawang pangulo.
Para sa akin tapos na… unanimous ang decision, e,” ani Macalintal.
Wala naman aniya talagang kakayahan na gumawa ng pandaraya si Robredo upang hindi pumanig sa kanila ang desisyon ng korte.
Wala naman talagang kakayahan na gumawa ng pandaraya si vice president,” ani Macalintal.
Magugunita pa nga aniya na nagkaroon pa ng bahagyang pag-angat sa dami ng boto ni Robredo laban kay Marcos nang magsagawa ng recount ng mga boto sa tatlong pilot provinces na Negros Oriental, Iloilo, at Camarines Sur.
Matatandaan ninyo, doon pa lang sa pilot provinces, nakita na ng Korte Suprema na wala talagang basehan, wala silang nakitang pagbabago sa bilang. Nagkaroon pa nga ng konting increase ang boto ni vice president,” ani Macalintal. —sa panayam ng Serbisyong Lubos sa 882