Tiniyak ni Vice President Leni Robredo sa publiko na walang sensitibong impormasyon ang malalantad hinggil sa kampanya kontra ilegal na droga ng pamahalaan.
Ito’y ayon mismo sa pangalawang pangulo nang tanungin siya hinggil sa babala ni Pangulong Rodrigo Duterte na sisibakin niya ito bilang co-chair ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) kung mayroong malalantad na impormasyong tanging mga otorisadong tao lamang ang dapat na nakaaalam.
Magugunitang hiniling ni Robredo sa Philippine National Police na bigyan siya ng access sa listahan ng mga high-value targets sa ilalim ng kampanya kontral ilegal na droga.