Tanggap ng aktor na si Rocco Nacino ang desisyon ng kanyang asawa na si Melissa Gohing na huwag munang magkaroon ng anak.
Ayon kay Rocco ayaw niyang pagsisihan ng asawa ang ‘di makalahok sa volleyball game kapag nabuntis ito kaya’t okay lang sa kanya na sulitin na muna ng asawa ang pagiging volleyball player nito.
Dagdag ni Rocco, kapag aniya sapat na ang naibigay ng asawa sa sport, doon na anila sila magpaplanong magkaroon ng panganay na anak.
Matatandaang, ikinasal ang couple nitong Enero 21,2021sa isang warship.—sa panulat ni Agustina Nolasco